Pasay, Navotas city mayors tinamaan ng COVID 19

Muling nagpositibo sa COVID 19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano makalipas ang halos isang taon nang unang mahawa ng nakakamatay na sakit.

 

Sinabi ni Eric Pardo, ang chief-of-staff ni Rubiano, noong nakaraang Sabado, Enero 1, ay sumama ang pakiramdam ng alkalde at nakaranas ng sintomas ng COVID 19.

 

Agad itong sumailalim sa swab test at nag-positibo ang resulta. Una siyang tinamaan ng COVID 19 noong nakaraang Pebrero.

 

Bagamat, may sakit, patuloy na gagampanan ni Calixto-Rubiano ang kanyang mga tungkulin at dadalo sa online meetings.

 

Samantala, kinumpirma ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nahawa siya ng COVID 19.

 

Aniya regular siyang sumasailalim sa antigen test dahil sa kanyang kondisyong pangkalusugan.

 

Inabisuhan na niya ang kanyang mga naging ‘close contacts’ na mag-isolate at magpa-swab test.

Read more...