P9 bilyong halaga ng agrikultura nasira sa Bagyong Odette

Umabot na sa P9 bilyong halaga ng mga pananim ang nasira dahil sa Bagyong Odette.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 351,932 ektarya ng agricultural areas sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga ang nasira ng bagyo.

Nasa 132,658 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa mga nasira ng bagyo ang pananim sa palay, mais, niyog, tubo, livestock at mga palaisdaan.

Ayon sa DA, nasa P2.9 bilyong pondo ang nakalaan para ipang-ayuda sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng bagyo.

 

Read more...