405 katao patay sa Bagyong Odette

Umabot na sa 405 katao ang nasawi dahil sa Bagyong Odette.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council chief Ricardo Jalad, karamihan sa mga nasawi ay nalunod, nabagsakan ng puno, mga gumuhong imprastraktura at landslide.

Nasa 82 katao pa ang naiulat na nawawala habang 1,147 naman ang nasugatan.

Ayon kay Jalad, nasa 4,457,846 katao o 1,139,pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Pinakamaraming naapektuhan ang mga residente sa Palawan, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte.

 

 

Read more...