Quarantine hotels sa Maynila binalaan ni Mayor Isko Moreno

Nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na ipapasara niya ang mga hotels at motels sa lungsod na ginagamit na quarantine facility kapag napatunayan na ang mga ito ay lumalabag sa guidelines at protocols ng Inter Agency Task Force (IATF).

 

Sinabi ni Domagoso na hangad niya na mapasigla pa ang ekonomiya sa lungsod at marami ang magka-trabaho, ngunit mas nangingibabaw ang kaligtasan ng mamamayan.

 

Diin niya dapat ay makiisa ang mga negosyo sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng lugar.

 

Ang pahayag na ito ng alkalde ay kaugnay sa napa-ulat na hindi pagsunod ng isang returning overseas Filipino na lumabas ng quarantine hotel sa Makati City at nakipag-party.

 

Lumabas na ang naturang babae ay positibo sa COVID 19 at pinangangambahan na nakahawa ng kanyang mga nakasalamuha.

 

Read more...