Poblacion girl dapat imbestigahan ng DOJ at NBI

Umaapela si Senador Bong Go sa Department of Justice at National Bureau of Investigation kung mayroong sindikato na kumikilos para makatakas sa mandatory quarantine ang isang indibidwal na galing sa ibang bansa at umuuwi ng PIlipinas.

Ginawa ni Go ang pahayag matapos maalarma sa pagtakas sa quarantine facility sa Berjaya Hotel sa Makati City ni Gwyneth Anne Chua o naging kilala sa tawag na Poblacion Girl.

Ayon kay Go, bilang chairman ng Senate committee on Health, dapat na maimbestigahan ang pagtakas ni Chua.

December 22, dumating sa bansa si Chua galing Amerika at nag-quarantine sa Berjaya Hotel. December 23, nakipag-party si Chua sa Poblacion, Makati. December 27, nag-positibo sa Omicron variant si Chua.

Sinasaluduhan din ni Go ang Department of Tourism dahil sa maagap nap ag-aksyon.

“And I appeal to DOJ and NBI to look at possible syndicate operating where people required to undergo the mandatory quarantine are able to skip it by paying certain sums of money. Kaya dapat tingnan din kung meron bang modus operandi, mula sa mga paliparan hanggang sa mga quarantine facilities,” pahayag ni Go.

“Kasuhan kung kinakailangan at parusahan na naaayon sa ating batas. Tingnan din dapat kung ano ang mga liabilities ng hotel at ipataw ang kaukulang parusa. Hindi natin pinapalampas ang mga ganitong klaseng Gawain,” pahayag ni Go.

Hindi kasi aniya biro ang kinakaharap na pandemya at napakalaki na nang nagastos ng gobyerno sa COVID-19 response.

Ayon kay Go, dapat ay walang pinapaboran pagdating sa regulasyon.

Kahit taga gobyerno aniya o maraming perang pambayad, dapat maparusahan kung mapatunayang may paglabag na ginawa.

Sinabi pa ni Go na dapat na magsilbi itong babala sa lahat.

 

Read more...