Higit 50 milyong Filipino ang fully vaccinated na sa proteksyon sa COVID 19, ngunit kinapos ang gobyerno na maabot ang target na 54 milyon.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na ang target ay maaring maabot sa unang dalawang linggo ng papasok na taon.
“Na-breach na natin ‘yung 50 million. Yung 54 million, kung ita-translate natin ‘yan, parang na-delay lang tayo ng one week or two weeks sa ating vaccination because nagkaroon tayo ng disastrous event na ‘yung Odette, malaki, anim na regions ang tinamaan. Kung sana hindi tinamaan ‘yun, baka nakaya natin ‘yung 54 million,” sabi ni Galvez.
Sinabi nito na halos 210 million doses ng COVID 19 vaccines ang natanggap na ng bansa at sa ngayon ay prayoridad na mabakunahan ang natitirang 1.5 milyong senior citizens.
Nakatuon din aniya ang vaccination rollout sa booster shots para sa healthcare workers at ang mga may comorbidity.