Sen. Bong Go ipinakiusap ang maayos na paggamit ng P5T 2022 national budget

Sinabi ni Senator Christopher Go na nararapat lamang na masinop na magagamit ng mga ahensiya ng gobyerno ang higit P5 trilyong pambansang pondo sa susunod na taon.

 

“Dapat walang masayang ni piso sa kaban ng bayan at dapat maramdaman ng mga mamamayan natin ang mga programa, proyekto at serbisyo ng gobyerno,” sabi nito.

 

Dagdag ni Go napakahalaga na magamit ng tama ng pondo ng bayan para sa pagbangon ng ekonomiya at sambayanan.

 

Kasabay nito ang pagtitiyak ng senador na inaasikaso ni Pangulong Duterte at ng gobyerno ang pagtugon sa pangangailangan ng mga labis na nasalanta ng bagyong Odette, gayundin ng mga lubhang naaapektuhan ng nagpapatuloy na pandemya.

 

“Importante rito mga kababayan natin, makatulong kaagad, makabalik sila kahit papano sa kanilang pamumuhay, na makabalik sila sa bahay nila na wala pong gutom,” aniya.

 

Tiniyak pa ni Go na maingat na ikinunsidera sa 2022 national budget para sa mga pangangailangan ng mamamayan ngayon marami pa rin ang nahihirapan at layon nito na mabigyan ng komportableng buhay ang lahat.

Read more...