87 percent sa mga guro, 59 percent sa mga estudyante sa kolehiyo bakunado na kontra COVID-19

Umabot na 87 percent ng faculty members mula sa higher education institutions (HEIs) ang bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera, nangangahulugan ito na 255,229 personnel mula sa 293,058 na kabuuang bilang ang bakunado na.

Ayon kay de Vera, nasa 59 percent naman sa mga estudyante sa kolehiyo ang nabakunahan na.

Nangangahulugan ito ng 2,456,667 mula sa 4,115,988 na tertiary students ang bakunado na.

Ayon kay de Vera, 43.2 percent sa mga ito ay fully vaccinated na habang 16.42 percent ang naka first dose pa lamang.

Nabatid na ang Zamboanga Peninsula na may  85.38 percent, Central Luzon na may 81.12 percent, at Cordillera Administrative Region na may 75.65 percent ang nakapagtala ng mataas na bilang ng mga estudyante na nabakunahan na.

 

 

Read more...