Pag-doble ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nakaalarma ayon kay Health Secretary Duque

PCOO photo

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na nakaalarma ang biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong holiday season.

Ayon kay Duque, wala kasing kaduda-duda na naging doble ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa loob lamang ng isang araw.

Babala ni Duque, kapag nagtuloy-tuloy ang pag-doble ng kaso sa mga susunod na araw, kailangan nang higpitang muli ang public health protocols.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 889 ang kaso ng COVID-19 ang naitala noong December 29 at 1,623 noong December 30.

Babala ng OCTA Research Group, posibleng pumalo sa 2,500 ang maaring magpositibo sa virus sa December 31, 2021.

 

 

Read more...