889 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Nasa 889 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 29), pumalo na sa 2,839,790 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,418 o 0.4 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 28 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,241 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 214 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,778,131 o 97.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...