P5-T 2022 budget, lalagdaan ni Pangulong Duterte sa December 30

PCOO photo

Lalagdaan na sa Huwebes, December 30, 2021 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024-trillion national budget para sa taong 2022.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, gaya ng pangako, lalagdaan ng Pangulo ang pambansang pondo nang hindi natatapos ang taong 2021.

“Inaasahan natin na tomorrow naka-schedule po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 2022 General Appropriations Law. So that is scheduled for tomorrow. As promised, the President will sign this very important measure na hindi pa sasapit ang December 31 kagaya ng sinabi ko kahapon. So tomorrow po ang schedule ng pagpirma ni Pangulo ng ating national budget for 2022,” pahayag ni Nograles.

Matatandaang lalagdaan na sana ng Pangulo ang pambansang pondo noong December 28.

Subalit hindi ito natuloy dahil humingi pa ng dagdag na panahon ang Palasyo para busisiin at pag-aralang mabuti ang pondo.

Read more...