Pag-apruba sa gratuity pay sa contract of service, job order workers sa gobyerno welcome kay Sen. Go

Malugod na tinanggap ni Senador Bong Go ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte ng gratuity pay para sa mga contract of service at job order workers sa gobyerno.

Ayon kay Go, hindi maikakaila ang sakripisyo ng mga mangagagawa para masiguro na maipagpapatuloy ang public service sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Nakasaad sa Administrative Order 46 ni Pangulong Duterte na makatatanggap ng P2,000 hanggang P5,000 na gratuity pay ang mga manggagawa depende sa haba ng serbisyo.

“Allow me to thank each and every government worker from the highest posts to the lowest ranks. Our civil servants, individuals who dedicate their lives to the service of the Filipino people, must be given an opportunity to pursue a career in the service which allows them to enjoy competitive wages so they can address their personal needs and that of their families,” pahayag ni Go.

Read more...