Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order Number 46 na nagbibigay ng gratuity pay para sa mga contract of service at job order workers na nagtatrabaho sa gobyerno.
Para sa mga manggagawa na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan ay makatatanggap ng one-time na gratuity pay na hindi lalagpas sa P5,000.
Para sa mga manggagawa na nagbigay ng serbisyo ng tatlong buwan at hindi umabot ng apat na buwan ay makatatanggap ng hindi lalagpas ng P4,000.
Para sa mga manggagawa na nakapagbigay ng serbisyo ng dalawang buwan at hindi umabot ng tatlong buwan ay makatatanggap ng gratuity pay na hindi lalagpas ng P3,000.
Para sa mga manggagawa na nakapagtrabaho ng hindi tatagal ng two months ay makatatanggap ng hindi lalagpas na P2,000.
Saklaw ng AO ang mga manggagawa sa national government agencies kasama na ang state universities at colleges, government owned- or –controlled corporatoions at lowal water districts.
Para sa mga manggagawa sa national government at SUCs, kukunin ang pondo sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) allotment habang sa GOCC at LWD ay kukunin naman ang pondo sa kanilang corporate operating budgets.
Nilagdaan ang AO sa araw ng Miyerkules, December 29, 2021.