Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (December 29), 42,257 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 22 ang aktibo pang kaso.
Wala namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, nanatili sa 42,110 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES