Pumalo na sa 283.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 283,209,339 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 54,148,544 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,808,067 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,254,706 naman ang kaso sa Brazil habang 12,338,676 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,437,152
– Turkey – 9,365,399
– France – 9,326,258
– Germany – 7,059,346
– Iran – 6,188,857
– Spain – 6,032,297
– Italy – 5,756,412
– Argentina – 5,514,207
– Colombia – 5,132,277
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,430,731 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 251,806,489 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.