Higit 200 empleyado sa Pasig City, magkakaroon ng taas-sweldo

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook

Magkakaroon ng taas-sweldo ang 215 empleyado ng City Environment and Natural Resources Office/Solid Waste Management Office ng Pasig City government.

Sa Facebook, sinabi ni Mayor Vico Sotto na makakatanggap na ng P12,000 na sweldo kada buwan ang mga empleyado, na karamihan ay street sweeper, simula sa January 2022, basta’t kumpleto ang attendance nito.

Ayon sa alkalde, umaabot lamang sa P5,000 hanggang P8,000 ang dating sweldo ng mga nasabing empleyado.

Walong oras kada araw aniya sila nagtatrabaho.

Ani Sotto, makatutulong ito para mapunan ang kulang sa eskinita at Homeowners’ Association (HOA).

Read more...