Ito ang dahilan kaya’t palagi niyang hinihikayat ang PhilHealth na suriin nang husto ang kanilang reimbursement system.
Bukod dito, mas makakabuti kung finance professionals ang mamamahala sa PhilHealth.
“Sorry to say but Philhealth is one of the weak links right now in the country’s health system. It needs to be more efficient and well managed to be such,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance.
Samantala, sinabi ni Sen. Nancy Binay na lubhang nakakadismaya ang pangyayari dahil aniya, ilang beses na nilang ipinagbilin sa PhilHealth ang isyu ngunit wala pa rin malinaw na ginawang hakbang.
“A PhilHealth holiday is a major cause of concern. Tama ba yung pasyente muna ang mag-aabono ng pang-ospital, tapos bahala na rin silang maghabol sa Philhealth?,” tanong ni Binay.
Diin pa niya sa isyu ngayon sa pagitan ng PhilHealth at mga ospital, ang taumbayan ang naiipit at kaawa-awa.