MRT-3, may libreng sakay sa Rizal Day

May alok ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na libreng sakay sa Rizal Day o December 30, 2021.

Paliwanag ng MRT-3, bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa paggunita at pag-alala ng buong bansa sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal.

Maaring ma-avail ang libreng sakay ng publiko simula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Paalala sa publiko, aalis ang unang tren ng MRT-3 mula sa North Avenue station bandang 4:40 ng umaga, habang 5:26 ng umaga naman ang mula sa Taft Avenue station.

Bibiyahe naman ang huling tren mula sa North Avenue station ng 9:30 ng gabi at mula sa Taft Avenue station ng 10:16 ng gabi.

Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na mapapanatili ang pagsunod sa minimum public health standards sa buong linya.

Read more...