421 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

Nasa 421 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 28), pumalo na sa 2,839,111 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 9,750 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa dalawa naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,213 o 1.80 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 248 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,778,148 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...