Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.42 milyon na

Reuters photo
Lagpas 5.42 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,422,912 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 839,429.

Sumunod na rito ang Brazil na may 618,575 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 480,290 naman ang death toll sa India habang 305,155 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 298,819
– Peru – 202,524
– United Kingdom – 148,003
– Indonesia – 144,063
– Italy – 136,753
– Iran – 131,434
– Colombia – 129,798
– France – 122,898
– Argentina – 117,066
– Germany – 111,304

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 281,838,851 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 251,213,248 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...