Nangangailangan ang Department of Education ng P3.37 bilyong pondo para sa pag-aayos at pagpapagawa ng mga bagong silid aralan na nasira dahil sa Bagyong Odette.
Sa Talk to the People, inulat ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 1,068 na silid aralan ang totally damage habang nasa 1,316 naman ang partially damage.
Sa ngayon, sinabi ni Briones na mayroong P230 milyong Quick Response Fund na natitira ang DepEd.
Sa naturang halaga, P3 milyon ang nasa DepEd Central office habang ang P227 milyon ay nasa mga regional offices.
MOST READ
LATEST STORIES