Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling bisitahin ang mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Odette.
“So I will have to hurry up. I will return to the areas that were hit,” pahayag ng pangulo sa kaniyang Talk to the People, Lunes ng gabi (December 27).
Nagpasalamat naman ang Punong Ehekutibo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa pagtugon sa tungkulin na panatilihin ang kaayusan sa mga apektadong lugar.
“Of course, we have to thank the military and the police. [They] have done a good job in all the areas that are hit by Typhoon Odette,” saad nito.
Noong December 22, binisita ng pangulo ang Siargao Island sa Surigao del Norte at Dinagat Islands, at maging sa Maasin City sa Southern Leyte.
Base sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 389 ang bilang ng nasawi bunsod ng nasabing bagyo.