Nagkasa ng donation drive ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ayon kay SBMA Chair and Administrator Wilma Eisma, nasa 8,000 kilo ng food packs, hygiene kits, at beddings ang ipapadala para sa mga apektadong pamilya sa sa Siargao Island.
Kasama sa food pack ang tubig, bigas at mga de lata.
Ipapadala aniya ang donasyon sa pamamagitan ng plane transport sa tulong ni dating SBMA Director at ngayon ay DENR Undersecretary Benny Antiporda.
Nauna nang nagpadala ang SBMA ng 11-man team mula sa SBMA Fire Department para makatulong sa clearing operations sa Siargao Island.
MOST READ
LATEST STORIES