Amerika handang makipagtulungan kay Duterte- US official

AP photo

Handa ang gobyerno ng Amerika na makipagtulungan kay Davao City Mayor at presumptive president-elect ng bansa na si Rodrigo Duterte.

Ayon sa opisyal ng US na tumangging magpabanggit ng pangalan, karaniwang gawi ng pamahalaan ng Estados Unidos na makipagtulungan sa sinumang ligal na halal ng taumbayan sa isang bansa.

Nitong nakalipas na Lunes, pormal na binati ni US State Department Elizabeth Trudeau ang Pilipinas dahil sa naging mapayapa at pagsasakatuparan ng isang demokratikong eleksyon.

“Our two nations have strong and enduring ties based on our shared respect for democratic values. We look forward to continuing those ties.” Laman pa ng mensahe.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pamamayagpag ng botong nakukuha ni Mayor Duterte sa katatapos lamang na halalan.

Matatandaang umani ng negatibong reaksyon hindi lamang sa lokal kung hindi sa mga mata ng international community ang ilang mga pahayag ni Duterte.

Partikular dito ang kanyang pagkiling sa extrajudicial killings upang masawata ang krimen sa bansa at sa Davao City.

Read more...