Pacquiao, naungusan na si Hontiveros

 

Inquirer file photo

Nalagpasan na ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang bilang ng boto ni dating Rep. Risa Hontiveros sa senatorial race.

Batay sa unofficial partial results kaninang ala 1:06 ng madaling-araw  ng nakaraang botohan, kung saan nasa 94.77 percent na ng mga boto ang nabibilang, nakakalap na ng 15,413,442 votes si Pacquiao.

Dahil dito, umakyat na sa ikapitong puwesto si Pacquiao na dati ay hawak ni Hontiveros.

Dahil sa pag-angat sa rankings ni Pacquiao, bumaba sa ikawalong puwesto si Hontiveros.

Ang dating nasa ikawalong posisyon na si Kiko Pangilinan naman ang bumaba sa ikasiyam na puwesto.

Samantala, wala namang pagbabago sa rankings ang iba pang mga senatorial candidates.

Narito ang pinakahuling rankings ng mga kandidato sa senatorial race:

As of 3:44 AM, Inquirer Unofficial Results

Source: Comelec-GMA Mirror Server

Read more...