Coldplay titigil na sa pag-record ng kanta sa 2025

Ititigil na ng sikat na British band na Coldplay ang pag-record ng kanta sa 2025.

Pero ayon kay Chris Martin, ang frontman ng Coldplay, hindi naman titigil ang kanilang grupo sa pagsasagawa ng tour.

Ayon kay Martin, sa 2025 ang huling proper record ng kanilang banda.

Naging kilala ang Coldplay sa mga kantang “Yellow” at “Clocks.”

Nabuo ang banda noong 1997.

Nalungkot naman ang mga fans ng Coldplay sa naturang desisyon.

 

Read more...