Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nabiktima ng Bagyong Odette na mag-ingat sa mga pulitikong nagkukunwaring tumutulong at dumadamay sa oras ng sakuna.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Siargao, sinabi nito na dapat na alalalahanin ng mga nasalanta ng bagyo ang mga taong totoong dumamay sa kanila sa oras ng kagipitan.
May mga pulitiko kasi aniya ang nagkukunwaring tumutulong pero sariling interes lamang ang isinusulong.
Matatandaang ilang kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 elections ang agad na nagtungo sa mga lugar na binagyo bitbit ang relief goods.
Ayon sa Pangulo, may mga pulitiko ang magpapa-picture lamang at gagamitin sa pulitika.
READ NEXT
Pangulong Duterte wala munang Pasko at Bagong Taon, magtatrabaho para sa mga biktima ng Bagyong Odette
MOST READ
LATEST STORIES