Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na 90.7 porsyentong epektibo ang Pfizer para sa mga bata.
“Upon review of technical documents and evaluation of the US (United States) FDA recommendations, our experts have found that the data submitted is sufficient for the EUA approval Nakita naman po natin na it is reasonable to believe that the vaccine may be effective to prevent COVID-19 and the benefits of vaccination outweigh the known and potential risks,” pahayag ni Domingo.
Tiniyak pa ni Domingo na mild lamang ang naging adverse effects ng Pfizer sa clinical trials sa mga bata na nag-eedad lima hanggang 11 taong gulang.
“Iyon pong nakitang adverse events du’n sa clinical trial ay very mild lamang po katulad lamang ng ibang bakuna na natatanggap ng ibang bata. So, kaunting siguro po may sinisinat, kaunting pananakit du’n sa area ng injection. Pero wala pong nakitang any unusual or important safety signals para po hindi natin mabigay itong EUA. So, this is being granted today,” dagdag ni Domingo.
Paglilinaw ni Domingo, iba ang dosage sa mga bata kumpara sa mga matatanda.
“Ito po ay mas mababang dosage at hindi lamang po ‘yun, ‘yung concentration din po nung vaccine ay mas mababa din po kaysa du’n sa ginagamit sa adults ngayon,” pahayag ni Domingo.
Ayon kay Domingo, inabisuhan na ng kanilang hanay sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque III na bumili ng hiwalay na bakuna ng Pfizer.