Active COVID-19 cases sa hanay ng pulisya, nasa 16

Wala muling bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (December 23), nanatili sa 42,246 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 16 ang aktibo pang kaso.

Isa naman ang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,105 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...