Ilang mga baguhang partylist, pasok sa Top 10

 

Inquirer file photo

Pawang mga maituturing na mga bagitong partylist groups ang ilan sa mga nangunguna sa listahan ng mga posibleng makapasok sa susunod na Kongreso.

Una sa listahan sa Top 10 ang partylist group na Ako Bicol partylist na may 1,603, 645 na boto.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Gabriela Womens Partylist na may 1,314,035 na boto.

Nasa ikatlong puwesto naman ang  partidong 1Pacman o (One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals) na hango sa pangalan ni pambansang kamao Manny Pacquiao.

Sa kasalukuyan, mayroon itong 1,262,767 na boto.

Ayon sa grupo, nais nilang bigyan ng boses ang mga ‘marginalized at displaced sector’

Isa sa kanilang nominee ay ang negosyante at sportsman na si Mikee Romero na may-ari ng GlobalPort Batang Pier team sa Philippine Basketball Association.

Nasa ikaapat na puwesto naman ang ACT Teachers na kinakatawan ni Rep. Antonio Tinio.

Nas ikalimang posisyon naman ang Senior Citizens at nasa ikaanim ang partido ni Atty. Harry Roque na Kabayan partylist.

Kasali rin sa Top 10 ang parylist na AGRI, Buhay at Puwersa ng Bayaning Atleta at Abono.

Read more...