COVID 19 cases sa bansa nadagdagan ng 261

Karagdagang 261 bagong COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayon araw.

 

Sa kabuuan, 2,837,784 COVID 19 cases na ang naitala sa bansa simula noong nakaraang taon.

 

May 9,238 pang active cases sa bansa at 3,153 ang nakakaranas ng mild symptoms; 3,400 naman ang may moderate symptoms; 1,801 ang nasa sever condition, 507 ang asymptomatic at 377 naman ang kritikal ang kondisyon.

 

Samantala, 122 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kayat sa kabuuan 50,916 na ang nasawi dahil sa naturang sakit.

 

May 395 naman na nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuang bilang na 2,777,630 o 97.9 porsiyento ng kabuuang bilang ng naitalang kaso.

Read more...