Inirekomenda ni Senator Richard Gordon ang pagsasampa ng mga kaso sa ilang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa kabiguan na ipatupad ang Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Act.
Ibat-ibang kaso ang inirekomenda ni Gordon na maisampa laban kina LTO Asec. Edgar Galvante at Executive Dir. Romeo Vera Cruz dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
“When the Executive fails to implement a law properly, or when it fails at all to implement what we have passed, the result is a situation where the Executive Department could just sneer at us, disrespect us, or worse show to the world how powerless we in the Senate or Congress can be,” sabi ng namumuno sa Senate Blue Ribbong Committee.
Sa pag-iimbestiga ng komite ni Gordon, nabunyag aniya na walang tamang pangangatuwiran sa kabiguan ng dalawang opisyal na ipatupad ang naturang batas.
“And, before we can even think of passing new laws to address the myriad problems our society faces, I submit that what we should prioritize is an honest- to- goodness review of laws, hindi lang ito, pero katulad ng election laws, yung mga tatakbo ulit, baguhin na natin yan,” dagdag pa ng senador.