5-year strategic plan ni CJ Gesmundo sa mga korte, ikakasa

Ilalatag ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang GOJUST II, ang five-year strategic plan para sa maging epektibo ang mga korte sa bansa.

 

“Once and for all, the Judiciary must deliver its services, both adjudicative and admistrative, real time,” sabi ng Punong Mahistrado.

 

Ang GOJUST II ay Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice, na suportado ng European Union (EU).

 

Nabanggit pa ni Gesmundo na higit isang siglo na ang napakaraming problema sa Korte Suprema at aniya ang mga ito ay ‘institutional, cultural and societal.’

 

Diin niya ang pangunahing kailangan ngayon ay isang hudikatura na may integridad, malaya, kakayahan at probidad.

 

Kailangan din, sabi pa ni Gesmundo, ang pagkakaroon na pantay na ‘access’ sa katarungan sa pinakamabilis na oras bagamat napapanatili ang ‘transparency and accountability’ na magbibigay kumpiyansa sa publiko sa hudikatura.

 

Sinabi pa nito na magkakaroon ng monitoring at pagsusuri sa pagtupad sa mga tungkulin ng mga mahistrado, hukom at maging ng mga opisyal at tauhan ng korte.

 

Read more...