State of calamity idineklara sa anim na rehiyon

Idineklara ni Pangulong Duterte ang state of calamity sa anim na rehiyon na labis na sinalanta ng bagyong Odette.

“There are many regions in the country that were battered by typhoon Odette in the days. The National Disaster Risk Reduction and Management Council… the NDRRMC came out with a resolution recommending that a state of calamity be declared over the affected areas. Yun pinirmahan ko,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pre-recorded ‘Talk to the People’ public briefing kagabi sa Davao City.

Sinabi nito na ang mga rehiyon na nasa state of calamity ay ang Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

Nabanggit pa nito na ngayon araw ay may babalikan siyang mga lugar na nabisita na niya.

Nabanggit pa nito na sa pagdedeklara ng state of calamity mapapabilis ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno, relief at rehabilitation, gayundin ng pribadong sektor.

Noong pang nakaraang araw ng Sabado sinimulan ng Punong Ehekutibo ang pagbisita sa mga nasalantang lugar, Siargao, Bohol, Cebu at Negros Occidental.

 

 

Read more...