Pet foods, kasama sa relief packs mula kay Sen. Pacquiao

Sen. Manny Pacquiao photo

Kasama na sa mga ipinamamahaging relief packs ni Senator Manny Pacquiao ay pagkain para sa mga alagang hayop sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette.

Nakapamahagi na ng dog foods at iba pang relief goods mula sa Philippine Pet Birth Control sa Siargao Island.

Dadalhin din sa pamamagitan ng Wings of Hope PH at Philippine Airlines sa Siargao ang mga gamot, tubig at food packs.

Ayon kay Pacquiao, ibinilin na niya sa Wings of Hope PH ang karagdagang 10 bag ng 20-kilogram pet foods mula sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) at halos tatlong tonelada ng pagkain, tubig at gamot na dadalhin naman sa Bohol sa pamamagitan ng Cebu Pacific.

Inorganisa ang Wings of Hope PH para maghatid tulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo at nakikipagtulungan sa Manny Pacquiao Foundation at United Relief Operation, Cebu Pacific, Philippine Airlines at Tzu Chi Philippines para sa pamamahagi ng relief goods sa ilang lugar.

Read more...