Muntinlupa City LGU, magbibigay ng P20-M sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Muntinlupa City PIO photo

Inanunsiyo ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang pagbibigay ng P20 milyon sa mga lungsod at bayan sa Visayas at Mindanao na labis na nasalanta ng bagyong Odette.

“Ako po ay nagpapasalamat sa Sangguniang Panglungsod dahil kanina ay pinagtibay nila ang pagbibigay ng ating lungsod ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Naglaan ang ating lungsod ng halagang P20 million,” sabi ni Fresnedi kasabay nang paggunita sa ika-104th Founding Anniversary ng lungsod.

Sa ipinasang resolusyon, 30 lokal na pamahalaan sa Visayas at Mindanao ang maghati-hati sa tulong pinansiyal ng Muntinlupa City.

Nabatid na tig-P1 milyon ang ibibigay sa Dinagat Island at Siargao, samantalang may halos P500,000 sa iba pang LGUs na kikilalanin ng opisina ni Vice President Leni Robredo at ng pamahalaang-panglungsod ng Muntinlupa.

Huhugutin ang naturang pondo sa City Disaster Risk Reduction and Management Fund.

Read more...