168 pang kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas

Nasa 168 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 21), pumalo na sa 2,837,719 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 9,384 o 0.3 porsyento ang aktibong kaso.

3,289 sa active COVID-19 cases ang mild; 508 ang asymptomatic; 3,406 pasyente ang moderate; 1,804 ang severe habang 377 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 50,794 o 1.79 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 372 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,777,541 o 97.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...