China, nagpadala ng P8-M halaga ng food packs sa mga nasalanta ng #OdettePH

Nagpadala ang China ng 20,000 food packages na nagkakahalaga ng P8 milyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Naglalaman ang bawat package ng limang kilo ng bigas, 10 de lata, at 10 noodles packs.

“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” saad ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa kaniyang Facebook post.

Sa tulong ng Filipino-Chinese community, naipadala aniya ang relief goods sa Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City, Negros Oriental, at iba pang probinsha.

Maliban dito, nag-abot din ang Chinese government ng 4.725 milyong kilo ng bigas sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

1.5 milyong kilo sa nasabing bilang ay nasa Cebu na, habang ang 3.225 milyong kilo sa Maynila ay agad ibibiyahe sa iba pang lugar na sinalanta ng bagyo.

“We thank the Philippine government, in particular the Department of Social Welfare and Development for their great efforts in urgently distributing these rice to those Filipino families in need,” ni Huang.

Dagdag nito, “China will do its utmost to continue its firm support to the disaster relief efforts of the Philippine government and the Filipino people. We wish all those affected could overcome the difficulties and rebuild their homes at an early date.”

Read more...