4-storey building project para sa COA, sinimulan na

DPWH photo

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bagong office building para sa Commission on Audit (COA).

Itatayo ang naturang gusali sa loob ng central office compound sa Quezon City.

Isinagawa ng DPWH at COA ang groundbreaking ceremony noong Lunes, December 20, 2021.

Kabilang sa gagawing construction activities ang pag-aalis ng Canteen and Commissary Building ng COA; site development; concrete structures at steel reinforcements; carpentry at joinery works; maging ang pagkakabit ng closed-circuit television (CCTV) system, public address system, grounding system, automatic fire sprinkler system, at air-conditioning system.

Tiniyak ng DPWH na patuloy nilang tutuparin ang mandato na makapaghatid ng infrastructure-related technical assistance sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Target na makumpleto ang konstruksyon ng naturang proeykto sa taong 2024.

Read more...