COVID-19 cases sa hanay ng pulisya, patuloy ang pagbaba

Sa ikalawang sunod na araw, walang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (December 21), nanatili sa 42,245 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 23 ang aktibo pang kaso.

Dalawa naman ang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 42,097 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...