Death toll bunsod ng COVID-19 sa buong mundo, higit 5.37 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.37 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,377,584 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 828,836.

Sumunod na rito ang Brazil na may 617,905 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 478,007 naman ang death toll sa India habang 298,222 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 297,916
– Peru – 202,295
– United Kingdom – 147,261
– Indonesia – 144,013
– Italy – 135,778
– Iran – 131,124
– Colombia – 129,487
– France – 121,717
– Argentina – 116,930
– Germany – 109,243

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 275,822,844 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 247,517,739 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...