“The act of breaking into a bank’s computer system and stealing money from at least 50 deposit accounts constitutes economic sabotage,” pahayag ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor
Dagdag nito, “Under the law, the offense is punishable with life in prison plus a fine of up to P5 million.”
Tinukoy ng mambabatas ang Republic Act No. 11449, ang batas noong 2019 ukol sa itinaas na parusa sa ilegal na paggamit ng electronic access devices tulad ng card, code, personal identification numbers (PIN), user name, passwords, at iba pa.
Giit ni Defensor, kailangang ipag-utos ng Bangko Sentral ng Pilinas (BSP) sa mga bangko na magtaas ng alerto laban sa mga hacker tuwing weekend at holiday upang maiwasan ang kahalintulad ng insidente.
“We already know that most cyberattacks on banks happen on weekends and holidays, so the practical solution is for them to heighten their vigilance on these slow days,” saad ng mambabatas.
Maliban sa nasabing insidente, inalala rin nito ang $101-million Bangladesh Bank cyberheist noong 2016. Weekend din nangyari ang insidente habang sarado ang mga tanggapan ng bangko.
“We also want banks to put an end to their practice of going on slow mode when it comes to providing customer support on weekends and holidays,” sabi ni Defensor.
Aniya pa, “Banks must respond instantly to customer complaints of potential hacking of their deposit or credit card accounts 24 hours a day, seven days a week.”
Naunang sinabi ng Union Bank of the Philippines (UBP) na natukoy ang anim na indibiduwal na hinihinalang nagsabwatan sa pag-hack ng BDO accounts noong nakaraang weekend.
Nadiskubre ang naturang insidente matapos ipaulat na humigit-kumulang 700 na BDO depositors ang hindi awtorisadong Instapay transfers patungo sa hindi totoong account ng isang “Mark Nagoyo” sa UBP.
Hindi pa malinaw ang eksaktong bilang ng account at nakuhang halaga ng pera ng mga hacker.