Kasabay ng pagsasalarawan sa Cebu at Bohol bilang ‘virtual war zones’ dahil sa tinamong pinsala dulot ng Bagyong Odette, umapela si AP Party-list nominee Ronnie Ong ng tulong para sa libu-libong Filipinong naapektuhan ng bagyo.
Dala ng Cebu Pacific flight 5JA320 ang 10 tonelada ng iba’t ibang relief goods noong Sabado ng gabi, December 18.
Nasa Cebu pa rin ang mambabatas upang malaman ang tindi ng pinsala ng bagyo sa mga nasabing probinsya.
Nagpakalat na ang kaniyang team sa Cebu, kasama ang grupo ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao, para sa pagsasagawa ng ground at aerial survey. Layon nitong malaman ang mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo.
“The entire province of Cebu is like a war zone and the situation in Bohol is even worse. It’s like an atomic bomb was dropped in some areas where Odette flattened everything. In some areas, entire villages were wiped out like they never existed,” pahayag ni Ong.
Dagdag nito, “But what is really heartbreaking is the desperation that we saw in Cebu and Bohol and it will just be a matter of time before people would resort to looting. A lot of people have no food, no water, and no roof on their heads. They have no electricity and communication is very difficult. Even banks are closed.”
Kailangan aniya ang tulong mula sa buong mundo para matulungan ang mga biktima.
Giit nito, dapat bumuo na ng task force ang gobyerno upang pamahalaan ang international aid sa pagresponde.
“I am appealing to all people around the world to please help us. Give anything you can to help our people who were affected by Odette. They need food, water, clothes, and materials to rebuild their homes,” ani Ong.
Inihayag din ng kongresista na lumabas ang tunay na karakter ni Pacquiao nang magdesisyong gawing prayoridad ang pagpapadala ng ayuda sa Cebu.
Kauna-unahan ang naturang party-list na makaabot sa Cebu upang makapaghatid ng humanitarian aid matapos makipagtulungan kay Pacquiao.