Nagtakda ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng national days of prayer para sa mga pamilyang apektadong ng Bagyong Odette.
Ayon sa Simbahang Katolika, iaalay ang December 25 at 26 upang panalangin sa pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng sama ng panahon.
Hinikayat din ang dioceses na magkaroon ng second collection sa lahat ng misa sa Araw ng Pasko at sumunod na araw para sa mga biktima.
Sinabi ni Bishop Pablo Virgilio David mg Kalookan, CBCP president, gagamitin ang “Alay Kapwa Solidarity Fund” para sa collective emergency response ng simbahan.
“We encourage everyone to remit all collections to Caritas Philippines that will then plan and implement our overall response,” saad ni David.
Dagdag nito, “May this season of giving offer us more opportunities to do consistent acts of Alay Kapwa (offering of oneself).”