Ayon sa Negosyante News, isang digital publication ng Oracle Media Group, layunin ng kanilang hanay na makapagbigay ng tama at tapat na balita para sa business sector sa bansa.
Ayon kay Brian Llamanzares, chief executive officer ng Oracle Media Group, isinagawa ng Negosyante News ang kauna-unahang Next Negosyante Awards para sa mga natatanging batang negosyante.
Kabilang sa mga ginawaran ang Verne Energy Solutions na tinanggap ni CEO John Altomonte, BlockchainSpace, na tinanggap ni general manager Jen Bilango, Careless Music na tinanggap ng kanilang president at founder na si James Reid, CUBO Modular na tinanggap ni COO and co-founder Zahra Zanjani.
Kinilala ang apat na kompanya dahil sa kanilang matinding innovations sa pagnenegosyo.
Dahil sa pandemya, nagkaroon ng makabagong pamamaraan ang mga batang negosyante para makasabay sa agos ng buhay.
Nabatid na ang Verne Energy Solutions ay may kinalaman sa sustainable energy.
Ang BlockchainSpace ay may kaugnayan sa financing solutions.
Ang Careless Music, at CUBO Modular ay kinilala dahil sa kanilang mga naabot sa larangan ng musika at social entrepreneurship fields.