Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (December 20), 42,245 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 25 ang aktibo pang kaso.
Tatlo naman ang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 42,095 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES