Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 275.01 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 275.01 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 275,017,427 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 51,765,714 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,746,838 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,213,762 naman ang kaso sa Brazil habang 11,361,387 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,214,790
– Turkey – 9,171,119
– France – 8,625,849
– Germany – 6,812,736
– Iran – 6,170,979
– Spain – 5,455,527
– Argentina- 5,389,707
– Italy – 5,389,155
– Colombia – 5,107,323

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,370,457 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 246,766,389 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...