Metro Manila Film Festival fluvial parade, aarangkada ngayong araw

Sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon, tuloy ang Metro Manila Film Festival fluvial parade ngayong araw, Disyembre 19, 2021.

Base sa abiso ng Metro Manila Development Authority, magsisimula ang MMFF fluvial parade ng 2:00 ng hapon sa Guadalupe Ferry Station sa Makati City.

Dadaan ang fluvial parade sa Sta. Monica-Lawton, C5-Bagong Ilog, Guadalupe, Edsa-Pandaleton o rockwell, at makati-Mandaluyong.

Matatapos ang fluvial parade sa Circuit, Makati.

Inaasaang dadalo sa fluvial parade si MMDA Chairman Benhur Abalos, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Makati Mayor Abby Binay.

Dadalo rin ang mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2021.

 

 

Read more...