Ito ay sa kabila ng mabilis na pag-ungos ng kaniyang matinding kalaban sa vice presidential race na si Rep. Leni Robredo, na ayon sa kanila ay biglang umangat ang botong natanggap sa unofficial count habang natutulog ang sambayanan kagabi.
Ayon sa campaign adviser ni Marcos na si Rep. Jonathan dela Cruz, nakatitiyak silang ang kanilang pambato pa rin ang mananalo kapag natapos na ang bilangan.
Ito rin ang dahilan kung bakit kaninang umaga ay nanawagan sila sa Commission on Elections (COMELEC) na itigil na ang paglalabas ng unofficial and partial results.
Paliwanag ni Dela Cruz, nais nilang mapigilan ang sitwasyon kung saan magkakaroon ng malaking pagkakaiba ang official cavass ng National Board of Canvassers sa inilalabas na unofficial quick count.
Maari kasi aniya itong magdulot ng pagdu-duda sa publiko lalo na sa mga botante.
Aniya, hiniling tin nila sa COMELEC na tukuyin ang mga lugar na pinanggalingan ng mga bilang ng boto na lumalabas sa transparency servers upang matiyak na walang double entry.
Giit ni Dela Cruz, labis na kaduda-duda ang biglang pag-ungos ng kalaban at biglang pag-impis ng lamang ni Marcos sa mga kalaban.