Ang pahayag ay kasunod ng pagpapahinto ng kampo ni Senador Bongbong Marcos sa unofficial election count sa Vice Presidential derby, kung saan number 1 si Robredo.
Sa isang press conference, sinabi ni Robredo na sa kanyang pagpasok sa anumang laban, handa siya sa anumang eventuality na posible kaharapin, kabilang na rito ang electoral protest kapag siya’y naging VP na.
Ani pa Robredo, mula’t sapul ay tanong niya kung bakit lahat ay dapat niyang paghirapan.
Mula aniya sa pagiging abogado, hanggang sa naging biyuda, pagkapanalo bilang Kongresista at ngayon ay bilang Bise Presidente.
Pero ayon kay Robredo, “nothing is really handed to me on a silver platter. But it makes the victory more sweeter.”
Hiniling naman ni Robredo sa mga tao na magtulong tulong na bantayan ang integridad ng eleksyon.